Biyernes, Disyembre 12, 2014

para sa linggong eto





Nalalapit na ang pasko ngunit ang 
Aming mukha ay 
Di kaayaya :)


Ngayong linggo ....tinalakay namain ang 
Ibat ibang uri ng elihiya 
Sa asya 

Tulad nalamng ng elihiya para 
Kay kuya na isinalin sa tagalog 
Pagkatapos nito 
Ay sinuri namin ng mabuti 
Ang elihiyang eto 

Mula sa ulo hangang bandang paa 
Ng elihiya 

Ang elihiya ay ma emosyonal 
At kung ito ay babasahin dapat na 
Maakit mo ang iyong 
Binabasahan sa iyong mga 
Emosyon 
Na ipinapakita ....


Matapos ang mga ilang araw ay ang amaing 
Gurong tagalayo sa filipino 
Ay gumagawa ng broad shit upanv ipasa
At upang makasali ang mga nagwagi sa 
DSPC para ilaban sa regional 


Matapos eto nag balik nmaaan agad si GNg .Mixto 
Upang talakayin ang 
Mga naiean na minv mga aralin 



Yun lmng pohhh at maaming salamat 

Sabado, Disyembre 6, 2014

repleksyon sa unang linggo ng desyembre


      ang unang linggo ng aming kapaskohan 
Ay punong punong puno ng kasoyahan 


Madami ang naganap 
At nangyari sa linggoong ito 
Habang ang aming mga kamag arL 
Na BSP ay nasa teres 
Para dalhin ang pangalan ng ating paaralan 

MAdami ang binalikan bago muling 
Pumunta sa aralin 
Binalikan kung kami ba ay madaming 
Natutinan 
Sa aming nakaraang lingong pag aaral 


Unang inalam namin 
Kung ano ba ang aming magiging 
Emosyon 
Kung isa sa aming mg pamilya ay 
Namayapa na at naglaho 

Pinga rin kami ng isang sanaysay 
Na tumutukoy nga
Sa nasabing 
Tema .

PAgkatapos nama an nito ay tinalaky 
NAMIN ang elihiya 

Kung ano ang elohiya at 
Ano ang gamit nito 
Sa ating mga mambabasa 

At binsa rin nin ang 
Halimbawa ng elihiya 
Ito ay ang elihiya para sa aking kuya 

Sabado, Nobyembre 29, 2014

kung mahal mo sya magparaya kana !!!!



love ano ba ang love???"Love is a variety 
of different feelings, 
states, and attitudes that ranges from
 interpersonal affection"
kaso at paano ung may mahal syang iba 
mamahalin mo parin ba syatulad ng dati ?? o 
magpaparaya ka para sakanya 


pag inlove ka kaya mong gawin 
ang lahat pra saknya 
mag mumukha kang tanga mapasya mo 
lng sya 
magmumukha kang tanga pag may kasamang 
syang iba 
paano kung may mahal syang iba at 
pinpaasa kalang nya anung gagawin mo 
mag paparaya ka nlng ba kc nga tunay mo 
syang mahal 


hindi b sya kawalan para sayu o 
importante sya sa buhay mo 
anu kaya mo ba syang palyain 
sa puso mong mahal na mahal sya 

handa kana bang masktan 
para lamang 
sya ay maging maligaya 

pakawalan mo nlng sya para naman matigil
na yung puso 
mong umaasa sa kanya 

madaming lalake o babaeng iba dyan na magmamahal 
sayo na traffic lng at hirap na 
hirap na kakahanap sayo 

kaya kunting antay nalng 
paprating na rin  yan 

 


 


 

repleksyon na linggo na ito :)

                                                       


Bagong linggo bagong buhay 


sa linggo na ito mahaba ang pag lalakbay ang naganap sa aming silid aralan 
hindi literal na paglalakbay kundi dahil sa madami ang naganap at 
napuntahang mga lugar sa aming mga tinalakay 


tinalaky namin ang  parabula ano ba ang parabula ??? 
ito ay ating kadalasang nakikita sa 
bibliya /kadalasan itong nsa bibliya dahil
ito ay may mga aral sa mga mambabasa tinalakay rin namin 
ang mga ibat ibang parabula na nasa bibliya 


 Tinalakay rin namin ang mga talinghaga ito ay
 parirala sa isang pangungusap 
na may malalim na kahulugan 

tinalaky rin namin sa linggong ito ang mga metaporka 
ito ay iang tayutay 
kung saan ang isang salita i parirrala 
ay  binibigyan ng kahuliugan na iba sa pangkaraniwan 


tinalakay rin namin ang parabula ng banga 

 yun lamang po maraming salamat
 




Martes, Nobyembre 25, 2014

inlove ka ???


Hindi mawawala sa mga kabataan ang may crush sabi nga 
Pag walang kang crush abnormal ka 
Pero paano no ba masasabing inlove kana ??


Pag gusto mo lagi syang kasama yung tipong kahit sa pagtulog 
Sya yung nasaisip mo yung tipong pagkakain ka naaasar 
Ka kasi hindi mo sya kasama .


Pag nasaisip mo sya lagi  tipong pag lallakad mo lutang ka dahil 
Sa kanya .. Yung tipong may kausap kang iba sya yung nakikita mo 
Tapos yung higit sa lahat iba yung topic nyu tapos biglang mapupunta sakanya 

Higit salahat pag naniniwala kna sa salitang FOREVEr 
Parang sa isip mo na pag naging kayo 
Papatunayan nyu sa buong mundo na totoo yung forever 

Biyernes, Nobyembre 21, 2014

masarap ngunit masakit mainlove



Masarap mainlove kasi mayroon kang inspirasyon sa bawat araw na iyong tatahakin 
ngunit ang bawat sarap naito ay may
 kapalit na sakit na tatak sa ating mga malalamya at mihihinang puso.


Pag nlove ka naniniwala ka daw sa salitang FOREVER 
Okaya naman daw ay sa bawat oras na kasama mo sya ay tuwang tuwa ka . 
Sabi nmana nang iba pag inlove ka hahanap hanapin mo sya 
 Sayung tabi 
At kung sya naman daw ay may gagawin sayu .ay gagawan 
Mo agad nang isyu 


Kaso sabi nang iba ang love daw ang mismong sisira at 
Dadaan sa puso na parang bagyo na isang sulyap 
Warak ang iyong pusong 
Buong buo at mahal na mahal sya 

 Pagibig daw ay darating lang bigla sa ating buhay .kaya 
Dapat handa ang ating mga puso na masaktan at 
Mawarak nang bigla 

 Pag ibig right guy or right girl para sayu natraffic lang yan 
Sa kanto dyan .. Kaya dapat 
Lang na hintayon at wag mainip dahil 
Sa pagdating nya mismo papalitan 
Nya ang puso mong sugatan at umaasa sa  iba .

repleksyon ngayong linggo...

Repleksyon ngayong linggo...
       Sa linggong ito,si Gng. Mixto na ang aming naging guro.Muli naming binalikan ang aming aralin tungol sa paghahambing.Nagbigay  siya  ng iba pang kaalaman at mga gamit ng paghahambing.Nagkaroon rin kami ng ilang pagsasanay ukol sa pagbuo ng pangungusap gamita ang mga pahambing.At ngayong araw na ito,nagbigay ng ilang katanungan ang aming guro na may kinalaman sa kwento ng Rama at Sita.
       Matapos ang aralin na ito,maraming aral ang  aking natutunan.Una na nga riyan na kapag nagmahal ka ng isang tao kailangan mong maging tapat.Kapag mahal mo ang isang tao at may iba siyang mahal hindi mo kailangang gumamit ng karahasan para  mapasayo lamang ito.Ang pinakanatutunan ko ngayong linggong ito,hindi mo dapat maging dahilan ang pera ng isang lalaki para lamang sumama ka sa kanya kung hindi mo naman sya mahal.
       Ngunit ang lahat ng iyan ay hindi ko pa mararanasan dahil wala pa ako sa tamang edad para pumasok sa isang relasyon kaya ang lahat ng natutunan ko ay maisasabuhay ko kapag ako ay nagmahal na.

Martes, Nobyembre 11, 2014

paghahambing!!



              Isang araw na pagtuturong muli matapos ang dalawang araw na pahinga. Paghahambing ang tinalakay sa arw na ito.at ang ibat ibang uri nang mga nito

           Anu ba ng paghahambing? Pagpapaliwanag sa kung paano nagkatulad dalawa o higit pang bagay. Paghahambing na magkatulad ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamit ito ng mga panlaping – kasing, sing, magsing, magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya, tulad, paris, kapwa at pareho. Ngunit ang simpleng paghahambing na eto ay hindi natin alam na ginagamit natin eto sa araw araw .

            Ngunit ang paghahambing ay may dalawang uri .ito ay ang . Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay may patas na katangian.

Hal. Pareho silang maganda.
       Magkasing puti ang blouse na iyon.

  Paghahambing na di-magkatulad - ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay maymagkaibang katangian

            Yun lamang at maraming salamat …..


              

Miyerkules, Nobyembre 5, 2014

PAGGAWA NG MOVIE TRAILER



Sa pagkakataong eto nalaman ko na ang pagawa pla nang movie trailer ay madami pang proseso bago eto iharap sa atin. Ang movie trailer rin ang nagsisilbing pahapyaw sa ating mga manonood.


Kung  ang movie trailer na ating mapapanood ay mahihikayat agad tayu . agd tayong bibili ng ticket pra panoorin eto , kung minsan mas maganda pa ang movie trailer kaysa sa mismong palabas .


Nalaman ko na ang movie trailer pla ay may iba ibang elemento, at ang bawat mga elemento nato ay may malaking ambag sa paggawa ng movie trailer 

 tulad nalamang nang direktor ang pinaka malaking kailangan sa paggawa nang movie trailer , sila ang isa sa elemento na kung saan .sila ang nangng-siwa nang lahat.

ang mga aktor o aktres ang nag bibigay buhay sa ginagawang skrip ng skrip writter , skrip writter amg gumagawa nang ikikilos nang mga aktres 

 at ang sunod ay ang mga uri nang shot 
ang halimbawa neto ay ang medium shot na kung saan hangang bewang nang isang person 

 yana lamang pohhh maraming salamt 

 <3  <3   <3  

ikatlong markahan



IKATLONG 
MARKAHAN
<3 <3 <3

Martes, Oktubre 28, 2014

si crush


Si crush 

Bakit kaya pag nandyan na si crush ang bilis nang tibok ng puso ko ???
Si crush sya ang nagiging inspirasyon ko sa aking pagaaral maliban sa aking mga pamilya, sya rin ang inspirasyon ko kung bakit ako nabubuhay, sya rin naman ang inspirasyon kung bakit ako ngayon ay nagsusumikap para sa aking paglaki ay maging kami.

Ang gwapo ni crush, ang cute nya, ang galing nyang mag basketball ,ang hot nya 
Kya ko sya naging crush .eto ay malaking HINDI dahil kulang pa ang mga katangiang eto para sa salitang crush .

Ano ba ang tunay na CRUSH para saakin. Mabait,magalang,gwapo,responsible, at may takot sa diyos 

 "ohh no andyan na si crush" ano ang unang gagwin magpaganda ,magpacute o magpapansin kadalsang ginagawa natin kung papalapit na si crush 
Napapa O MY GOSH patayu kung may pawis na tutlo sa kanyang mukha habang naka kagat sa kanyang mapupulang labi ,na bagay na bagay sa kanyang napakinis at kumikintab na mukha .

Kailanagan naman ng madaming timba na sasa po sa iyong tumutulong laway. Sa tuwing sya ay bida sa inyong paaralan nandyan ka sa sulok para tumili nang malakas at isigaw ang kanyang pangalan . Mapaos kaman o mawalan ng boses 

Mapansin kalang o mangitian ni crush ikaw ay tuwang tuwa na .tatalon satuwa hahampasin ang mga kaibigan mong nsa paligid mo titili ka kahit na sa gitna kayo nang klase at kahit na mapahiya kapa sa harap nang maraming tao .BASTA alam mo sa sarili mo na ikaw ay sa araw na yun ay ay ay ay ay ay napansin ni crush 

Ehhh ikaw anu banag mga katangian nang crush mo ?? Anu ring mga reaksyon mo pagnakita o napansin ka nang inspirasyon mo ???

♥♥♥♡♡♡


Linggo, Oktubre 26, 2014

SEM break

Sem break≧﹏≦

Panahon nanaman para isang tabi ang paaralan at maging masya o malungkot sa luob nang tahanan ang iba ay masya dahil aalis sila at magbabakasyon sa kanilang mga probinsya kung saan makikita nanaman nila ang kanilang mga kababata ant mga kamaganak .iba naman ay :( sad dahil hindi nanga nila makikita si crushay magtutunganga at nganga lang sila sa kanilang mga tahanan 

Ako ngayonay nsa bahay habang iniisip kung ano ang mga ginagawa nang iba kong mga kamagaral sila ba ay katuladkong malungkot o nagsasay sila kapiling ang kanilang mga kamag anak sa probinsya 

Kami naman ay pupunta sa probinsya para sa nalalapit na undas ngnit eto ay matangal pa bilang isanganak sa aming tahananang aking mga giagawaay kaintulog tweet instagram facebook pindut doon pindot dito tulog sa sala tulogsakwarto ang akingganagawa habang inaantay na mag undas na 
 Dahil hindi natin masasabing enjoy ang SEMBREAK kunghindi natin makakapiling ang ating mga mahalsa buhay sa oras nang maikli na bakasyon 
Napakatagal na panahon na tayu ay nagiisip kung paano ma solve yun ito kung ano ang history at kung anu ang mga parts of speech 
Kaya dapat lamang na tayu ay maka rans nangsembreak 

Kayu kamusta naman ang ang sembreak nyutuladba nang saakin na nasa bahay lang o kapiling ang mahal nyu sa buhay ???
♥♥♥♡♡♡

AKING KATABI AKING KAIBIGAN



Aking katabi aking kaibigan




Bakit kaya ang ating mga katabi ay ang nagiging matalik na kaibigan natin???
Napapaisip ako kung ito ay nasasadya lamang o eto ay pinagkaluob talaga nang diyos na sila ay ating maging katuwang sa buhay

Sa araaw naeto sumaktong ang aking katabi ay ang matalik kong kaibigan na si waren fostanes 

Sa tuwing ako ay may problema nandyan lamang siya upang ang aking mga problema ay kanyang sapuhin at alisin sa aking katawan 

ANG Katabi kong si waren ay aking kaibigan akin nang sisimulan ang pagsisiwalat nang kanyang mga katangian bilang isang katabi na aking kaibigan 

Kung minsan katuwang kosyang makakopyahan. Minsan naman ay napapagalitan dahil sa aming kadaldalan .agad na sya ay aking naka sundo dahil parehas kami nang ayaw at gusto 

Kung ako naman ay natatwag sa graded recitation nandyan sya para ako ay tulungan 
Sya ang aking katuwang sa mga panahong ako ay nahihirapan 
Tinutulungan nya rin ako kung hindi ko alam at kung hindi ako nakakasabay sa mga topic lagi rin syang nasa aking tabi para maging katabi at kaibigan 

Yun lamang pohhh at maraming salamat sa pagbabasa 
♥♥♥♡♡♡

Martes, Oktubre 21, 2014

MIYERKULES, OKTUBRE 8, 2014

Aralin 2.4

Niyebeng-itim

ni Liu Heng

Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra

      Paparating na ang bisperas ng Bagong Taon. Nagpakuha ng litrato si Li Huiquan sa Red Palace Photo Studio, isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin, dahil pakiramdam niya, lalo pa siyang pinapapangit ng kamera. Sinabihan na siya ni Tiya Luo na sapat na ang apat na piraso, ngunit nag-order siya ng labinlima. Nagulat ang klerk.“Kinse?”“Kinse nga.”“Hindi kami siguradong maganda pa rin ang litrato kapag ganoon karami.”“Gusto ko sabi ng kinse!”      May pagkainis na sa kanyang boses at iyon lamang ang magagawa niya para mapigilan ang sarili na suntukin ang pangang iyon. Nag-order siya ng kinse para hindi na siya bumalik pa sa susunod at ikinabuwisit niya ang ituring na kahangalan ang ganito.      Nang bumalik siya para kunin ang litrato, mas kabado siya kaysa nang kunin niya ang mga abo ng kanyang ina sa crematorium. Tumalikod siya at lumakad papalayo dala ang balutang papel nang hindi pa muna sinusuri ang litrato, at nang nag-iisa na lamang, dinukot niya ang laman . Labinlimang magkakatulad na litrato ang hawak niya, bawat isa ay nakatitig sa kanya nang may pare-parehong hitsura. Sa kabuuan, mas maayos ang kinalabasan kaysa kanyang inaasahan. Parang mas manipis ang kaniyang labi dahil nakatikom, nakatitig ang mga mata niya. Hindi mo masasabing pangit. Sa katunayan, mas guwapo siya kaysa sa maraming tao. Wala siyang reklamo.      Dinala siya ni Tiya Luo sa komite sa kalye kung saan pinagpasa-pasahan sila. Nakipag-usap sila sa iba’t ibang tao hanggang sa isang may katandaang opisyal ang nagbigay rin sa kanya ng lisensya para sa kariton. Hindi naaprobahan ang kanyang aplikasyon para sa lisensya sa pagtitinda ng prutas dahil puno na ang kota. Ang mga kontak ni Tiya Luo ay hindi makatulong o ayaw nang tumulong. Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos. Wala nang      pakialam si Huiquan kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga, mayroon siyang magawa. Nabalitaan niyang mas madali ang pagtitinda ng prutas, mas mabilis ang kita; mas mabagal naman sa damit, at mas mababa pa ang tubo. Nabalitaan din niyang kailangan niya ng maayos na tindahan o koneksiyong blackmarket para talaga mapatakbo ito. Ngunit handa siyang sumubok. Kailangangpalakasin niya ang kanyang utak, at di matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat. Kahit maliit ang kikitain niya, hindi naman liliit pa iyon sa natatanggap niya bilang ulila, hindi ba? Bahala na.       nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang isang matabang mama na tinawag ni Tiya Luo na Hepeng Li. Sabi ni Tiya Luo kay Huiquan na tawagin itong Tiyo Li. Walang ideya si Huiquan kung hepe ito ng ano at kaninong tiyo ito, ngunit naaalala niya rito ang matatabang sumo wrestler ng Hapon.      “Hindi ka ba magpapasalamat kay Tiyo Li sa lahat ng tulong niya?”      Magalang na yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya sa kampo.Kailangang yumuko ang mga bilanggo sa lahat ng guwardya, inspektor, at tagamasid na nakikipag-usap sa kanila o nakatingin man lang sa kanila- iyon ang pagsasanay. Ginagawa na niya iyon dahil nakasanayan na. Ngunit halos di siya napansin ng mama -- tila ito isang lalaking tumitingin ng kung anong paninda.      Pakiramdam ni Huiquan ay isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas.   “Ito ba siya?” tanong ng matabang mama kay Tiya Luo.      “Mabait siyang bata, tulad ng sabi ko. Tingnan mo’t namumula na siya.”      Napatawa ang mama habang itinuon ang tingin kay Huiquan.      “Alam mo ba kung paano ka nakakuha ng lisensya gayong maraming retirado at walang trabaho ang di-makakuha?”      “Dahil … dahil kailangan ko ng trabaho?”      “Iyon lang ba?” mapanlibak ang ngisi ng mataba.      “Dahil isa akong ulila?”      “Kinakalinga ka ng pamahalaan; tiyak kong alam mo iyan. Huwag kang manggugulo at huwag kang sakim… nagkamali ka na. Kalimutan mo na iyon, dahil kapag umulit ka, wala nang tutulong sa iyo.”      “Gagawin ko anuman ang ipag-utos ng pamahalaan.”      Isa na naman sa maraming islogan sa kampo. Nakabilanggo pa rin ang kaniyang isip at damdamin kahit pinalaya na siya sa kampo. Kahit si Tiya Luo ay tumangu-tango. Saan man siya magpunta, laging may nagsasabi sa kaniya kung ano ang dapat at di-dapat gawin; sa pagtingin sa kanya nang mababa, umaangat ang kanilang sarili. Namalagi siya sa bilangguan. Sila ay hindi at nararamdaman niya na ang mga babala, panlalait, at paalala ay para lang sa kaniya; gamitin ang ihian, walang dudura, bawal pumasok, limang yuan na multa - lahat ay patungkol sa kaniya at tanging sa kanya lamang. Habampanahon na may magpapahirap sa kaniyang buhay, magtuturo sa kaibahan niya at ng ibang tao, hihila sa kanya paibaba. Gusto niyang lumaban, pero wala siyang lakas. Kaya magpapanggap siyang tanga, umiiwas sa mga nagmamasid at nagmamatyag, Maraming taon nanaman niyang ginagawa ito.      Masayang naglakad si Tiya Luo, di-pansin ang tamlay sa mukha ni Huiquan habang nakasunod ito na parang bilanggo.      “Halos Bagong Taon na. Pwede kang manatili ngayong bagong taon sa amin.”      “Salamat, pero maayos na po ako…”      “Sa palagay ko’y matutuwa na ang ina mo. Kung buhay siya, ipapangalandakan niya -- negosyante na ang anak ko; maganda ang kinabukasan niya; hindi na siya katulad nang dati. Gusto kong pasalamatan mo ang nanay mo.”      “Sige po.”      “Bahala ka kung gusto mong mag-isa ngayong Bagong Taon pero hindi ibig sabihin na pwede kang uminom.”      “Huwag kayong mag-alala.”      “Hindi na maaga para mamili para sa Bagong Taon. Isda, manok – kung ano-ano pa. Kung hindi ka marunong magluto, pumunta ka rito at tuturuan kita. Dapat lang na maayos ang Bagong Taon mo. Pagkatapos, dapat magtrabaho na. Ayusin mo at hahanapan kita ng nobya. Ano sa palagay mo, bata?”      “Kayo ang masusunod.” Ngumiti siya ngunit matamlay. Ang isang yari sa kahoy at canvass na ambi ay aabot ng sandaan o mahigit pa; kung may tatlong gulong, dagdag na tatlong daan pa mahigit. Wala nang matitira para sa paninda. Hindi pa nga nagsisimula’y kailangan na niyang humugot sa naipon ng kaniyang ina. Kinabahan siya dahil wala na itong atrasan.      Isa o dalawang araw bago ang Bagong Taon, nakakita siya ng kakarag-karag at lumang tatluhang gulong na sasaksyan sa East Tsina Gate Consignment Store na 230 yuan ang halaga. Ayos ang presyo pero napakasama ng kondisyon at di-masasakyan. Mukhang maayos ang balangkas- kahit paano’y napanatili ang hugis; walang gulong, pero mapakikinabangan pa rin ang gilid at rayos ng gulong; walang kuliling , walang kadena, at walang tapakan, ngunit may preno at pedal. Hindi siya makapagpasya at pinag-isipan niya sa lahat ng anggulo. Nalibot na niya ang buong bayan. Ang mga bagong sasakyan ay nagsisimula sa apat na raan, wala naming ipinagbibiling umaandar pang segunda mano. Sa isang groseri, nakakita siya ng isang sasakyang yari sa kawayan na mukha namang matibay, ngunit parang may mali rito. Kung magtitinda siya ng damit, kakailanganin niya ang tatluhang gulong – para naman presentable.      “Gusto mo nito? Para saan?”Lumapit ang klerk sa kaniya.      “Kariton para sa mga damit.”      “Tamang-tama. Hindi ka magsisisi. Kung poste ng telepono, o kongkreto. O iba pang katulad, hindi ko ‘to irerekomenda. Pero para lamang pala sa ilang tumpok ng damit. Di ka gagastos ng higit sa sandaan sa pag-aayos nito, at pwedeng tumagal pa ng lima, anim na taon.”      “Bakit di-gumagalaw?”      “Matigas ang preno. Aayusin ko.”      Ibinigay ni Huiquan ang pera, at kinaladkad ang walang gulong na sasakyan mula East Tsina Gate patungong Dongsi, at mula roon, papuntang Chaoyong Gate. Dahil sa kanyang natatanging sasakyan, naging sentro siya ng atensyon, bagaman hindi naman nakapipinsala ang mga tingin sa kanya. Matapos bumili ng ilang parte sa pagawaan ng bisikleta sa labasan ng Chaoyong Gate Boulevard, tinulak niya ang kanyang sasakyan patungong East Lane ng Kalyeng Spirit Run papasok sa gate ng bilang 18. Ang berdeng bayong na nakasabit sa kalawanging hawakan ng sasakyan ay napuno ng tinimplang baka, dalawang pinakuluang manok, may yelong isda, apat na paa ng manok at isang bote ng alak – hapunan para sa Bagong Taon. Binili niya at madaling nakuha dahil ayaw na ayaw niyang nakapila at wala naman siya talagang hinahanap para sa kanyang hapunan. Mas iniintindi niya ang kaniyang sasakyan, ang kanyang bagong kaibigan, ang kaniyang tahimik na kasama.       siya ni Tiya Luo para maghapunan, bisperas ng Bagong Taon. Dumaan ito habang naglalagare siya ng kahoy, nakalambitin sa kaniyang bibig ang isang pirasong manok. Tumanggi na muna siya. May naamoy ang Tiya at inangat nito ang takip ng palayok. Pinalalambot ang paa ng manok sa kumukulong sabaw. Walang makikitang berde – hindi balanseng pagkain. Sira na ang manggas ng kaniyang panlamig; puno ng kusot ang kaniyang sapatos at laylayan ng pantalon; marumi at mahaba ang kaniyang buhok. Naawa si Tiya Luo sa kaniya, ngunit tumanggi pa rin si Huiquan. Ginagamit pa rin niya ang kahoy na iniwan ni Hobo, desididong gumawa ng magandang patungan para sa kaniyang sasakyan.      Bumalik si Tiya Luo para imbitahan siyang manood ng TV – nakatatawang palabas at iba pang kawili-wiling programa. Hindi dapat palampasin. Ngunit umiling siya, hindi man lang tuminag sa kaniyang paglalagare.      “Marami pa po akong gagawin.”      “Hindi makapaghihintay kahit pagkatapos ng Bagong Taon.”      “Mas gugustuhin kong patapusin ninyo ako...”      “Marami namang panahon. Huwag mong tapusin agad lahat. Di ka dapat magpagod, Bagong Taon pa naman.”      Sa umpisa, panaka-naka ang mga paputok, ngunit dumalas ang ingay at pagsapit ng hatinggabi, akala mo’y sasabog na ang mundo. Ibinaba ni Huiquan ang lagare at nagsalin ng alak. Matagal na pinalambutan ang paa ng manok kaya halos matanggal na sa buto ang mga laman nito. Tama naman ang pagkaluto, medyo matabang, marahil, kaya nilagyan niya ng kaunting toyo ang plato at isinawsaw niya ang laman dito, at kumain at uminom siya hanggang sa mamanhid ang kanyang panlasa. Maaaninag sa kaniyang bintana sa kaniyang likod ang pula at berdeng ilaw paminsan-minsan. Karangyaan kahit saan ka lumingon, mula sa mga taong kuntento sa kanilang buhay. Ano ang balak ng milyong taong ito ? Ano ang ipinagsasaya nila?      Siguradong hindi siya kabilang sa kanila. Kung buhay si Ina, panahon iyon ng pagbabalot ng dumpling, iyong maliliit na pagkaing pumuputok sa bibig na parang kendi. Gustung-gusto niya iyon. Sa unang Bagong Taon niya sa kampo, pitumpu’t anim ang nakain niya sa isang upuan, hanggang sa mabusog siya nang sobra’t hindi na siya halos makaupo, at ginugol niya ang buong hapon sa paglalakad sa laruan. Gayunman, kahit ang alaalang ito ay hindi nakapagpasaya sa kaniya. Malagkit ang mga kamay niya dahil sa pinalambutang paa ng manok at sapin ng malagkit na baboy, at nahihilo na siya dahil sa alak.      Lumabas siya at tumayo sandali sa bakuran. Walang lamig, walang hangin. Makulay ang langit; maraming paputok sa lahat ng dako. Ang bakuran, na may mahigit sa pito o walong talampakan ang luwang, ay tulad ng balon sa ilalim ng kumikinang na bughaw na langit. Isang stereo ang bumubuga ng awit, iyong tunog na di-maintindihan. Naiisip niyang mataba at pangit ang mang-aawit. Nakapanood na siya ng ganito sa TV – magagandang boses at ngiti ngunit pangit ang hitsura nila. Kumikisay sila sa iskrin, ang mga kilos ay nagpapatingkad lamang sa kanilang kapangitan at ang mga awit nila ay ginagawang mga sigaw at halinghing. Magagandang babae lamang dapat ang ipinakikita sa TV, subalit maaaring nagkukulang na ng suplay. Bagaman lumalayo na si Huiquan sa mga babae, sumasagi pa rin sa isip niya ang imahen ng magagandang dalaga. Wala sa mga ito ang kilala niya dahil labo-labo na ang mga ito sa kanyang utak – malalabong imahen na ang intensyon ay malinaw at tiyak. May mga panahon, natatanging panahon, kung kailan pinapangarap niyang mapasasayaw niya sa kaniyang isip ang mga imahen. Ngunit sa totoong mundo man o sa mundo ng ilusyon ay hindi niya mapasunod ang mga ito. Walang magawa, napilitan siyang tanggapin ang kaniyang kahinaan.      Ang isip ni Huiquan ay nabaling sa malalaswang dingding -- dingding ng banyo na ang mga sugat ay hindi mabura, ginulping dingding na halos iguho ng malalaswang pag-atake. Kakaiba, malaswang isip at dumi ay kakatuwang napapagsama nang maayos doon, pinupuwersa siyang harapin ang maruming katawan na pinipilit niyang itago. Mag-isa sa bisperas ng Bagong Taon, idinagdag niya ang sarili niyang mga pantasya sa mga naroon sa maruruming dingding. Hindi pala ang mga babae kundi marahil sa sarili pala niya siya naririmarim.      Sa sarili niyang paraan, inalagaan niya ang kaniyang sarili. Magulo, siyempre pa, ngunit gusto niya ang gayon, lihim, ligtas, at di-komplikado. Mas maraming mapagtataguan sa kampo kaysa kaya nilang bilangin – taniman, maisan, daluyan ng irigasyon, di pa nabubungkal na bukid – na ang tanging nagmamasid sa kaniya ay ang langit sa itaas at ang lupa sa ibaba. Nang naroon na siya, wala na siyang pagtingin kay Xiaofen, kaya wala nang direksyon ang kaniyang pagkahumaling.      Bahala na. Alam niyang pinaglalaruan siya ng mga demonyo at wala siyang lakas para labanan ito.      Pagod na siya. Paubos na ang mga pagputok. Ang madalang nang pagputok ay nagpatingkad sa kalaliman ng gabi. Puno na ang mg tao ng kasiyahan, pagkain, at laro, at oras ba para matulog ang lungsod, bago magbukang-liwayway. Wala siyang kasama, at pakiramdam niya’y nawawala siya. Labas sa kaniyang mga pantasya, wala siyang makitang babae na karapat-dapat sa kaniyang pagmamahal.      Si Luo Xiaofen, wala na sa kanyang isip, ay hinding-hindi ang babaeng iyon. Hindi pa niya nakikita ito simula nang lumabas siya. Nagbabakasyon ito sa Harbin kasama ng kaniyang nobyo, isang assistant sa kolehiyong normal, at isang gradwadong mag-aaral sa matematika si Luo – isang tambalang itinadhana ng langit. Ibinalita ni Tiya Luo, masaya at nagmamalaki, na magpapakasal na ang dalawa sa Mayo.      Si Luo Xiaofen – kababata ni Hiuquan, sabay silang nagelementarya hanggang gitnang paaralan, ngunit ngayon, wala na siyang pagkakatulad. Nasa Harbin si Luo, samantalang siya, nasa kalyeng Spirit Run, sa isang madilim na sulok, gumagawa ng hamak na bagay. Ngunit ito ang tadhana.Hinahamak siyang lagi ng tadhana.      Sa unang araw ng bagong taon, pinagkaabalahan niya ang kaniyang sasakyan, sa ikalawang araw, inilabas iyon para paandarin. Tuwang-tuwang siya sa mga sisidlang ginawa niya. Nagbisekleta siya para tingnan ang mga pakyawan, para pag-aralan ang mga lokasyon nito. Sa ikalima pa ang takdang pagbubukas ng mga ito, tila pinagkaisahan siya. Walang magagawa hanggang sa araw na ito.      Matapos sumulat sa Instruktor Politikal Xue at ipadala ang liham, dumaan si Huiquan sa isang tindahan ng libro at bumili ng mga kopya ng “Mga Multo sa Isang Lumang Sementeryo at Mga Babaeng Ahas”. Pagbalik sa bahay, humilata siya’t nagbasa habang kinaing-isa-isa ang saging. Nitong mga nagdaang araw, nakaubos siya ng isang piling hanggang sa naging madulas ang kanyang bituka at napapapunta sa inodoro buong araw. Maayos naman ang mga libro; hindi lang siya makaalala ng istorya. Kaya’t binabasa niyang muli, at parang bago at kawili-wili pa rin sa ikalawang pagbasa. Matapos niyang basahing muli ang mga libro, itinabi niya ito at ang mga pader ay tila blangko at maputla. Saging pa. Itinuturing na niyang mga gago ang mga awtor. Nakababato. Gayon pa rin bukas, at may pakialam ba siya ? Ano ang pagkakaiba ng malaki at maliit na daga? Parehong pangit; parehong patagu-tago.      Ibinigay kay Huiquan ang pwesto sa may daanan sa timog ng Silangang tulay. Dito ang mga numero ay nakapinta nang puti sa mga ladrilyo na nasa isang mahabang hanay ng tigdadalawang kwadrado-yardang pwesto; ang iba ay okupado, ang iba ay hindi. Matapos niyang ayusin ang kaniyang tindahan, tinakpan niya iyon ng ambi at inayos ang kaniyang sasakyan para magsilbing harap ng tindahan. Sa bandang kaliwa niya ay ang daanang silangan-kanluran, sa bandang kanan, ang katapat nitong hilaga-timog. Nasa tapat mismo ng paradahan para sa Eastbridge Department Store. Nasa gilid siya ng alimpuyo ng mga tao, parang di humihinto.      Wala isa man lang na tumingin sa kaniyang paninda. Pagod pa sa nagdaang okasyon, ang mga dumaraan ay palaiwas o bugnutin. Ang kaniyang designasyong ay Timog 025. Hindi magandang puwesto. Siya ang ika-25 tindero ng damit sa isang mahabang yardang lugar. Ang mga tindahan ng pagkain ay nasa hilagang bahagi ng kalye, na may di kulang sa anim na nagtitinda ng inihaw na kamote at ilan pang matatandang naglalako ng malamig na dalandan at halos bulok nang saging.      Napuno ng kulay berde sa kaniyang tindahan – isang bunton ng walong kulay-olibang kasuotang pang-army. Isinampay niya ang ilan, inilatag ang iba, at isinuot ang isa. Niloko siya ng matandang lalaki sa pakyawan. Hindi maitinda ang mga kasuotan, panlamig na angora, at sapatos na gawa sa canvass. Ang naitinda lamang niya nang araw na iyon ay mga angora, madaling naubos ang dalawampung piraso. Mangyari pa, iyon ang pain para sa iba pang paninda. Ang pakyawan ay tres-diyes. Ibinenta niya ang una ng apat na yuan at ang huli, sais-beinte. Walang kinailangang magturo sa kaniya. Natuto siya nang iabot sa kaniya ng unang kostumer ang pera ; huwag kang matataranta sa pera at kalimutan mo na ang pagiging magalang. Sumigla siya, sa kung anumang dahilan; kumislap ang mata niya, at napanatag siya. Sa wakas, isang bagay itong may kontrol siya.      Gusto sana niyang magtago ng isang gora para sa sarili. Para itong Ku Klux Klan na talukbong – mga mata lamang ang makikita – at iyon ang kailangan ng nagtitinda. Pakiramdam ni Huiquan ay makapangyarihan siya, tulad ng misteryosong matanda na naglalako ng minatamisan na nakatayo sa harap ng Eastbridge Department Store, sa dinaraanan mismo ng hangin, ilang oras na walang imik, walang kibot. May mga kostumer siya – hindi marami, kaunti – ngunit hindi na matagalan ni Huiquan na panoorin siya, alam niyang maaari siyang sigawan nito kapag nagpatuloy pa siya.      “Sapatos na tatak-Perfection mula sa Shenzhen free economic zone. Sapatos, tatak-perfection, gawa sa Shenzen…”      Nagulat ang mga naglalakad sa sigaw niyang ito. Narinig na niya ang ganitong pagtawag sa Gate ng Silangang Tsina at sa Bukanang Gate, ngunit hindi niya alam kung kaya niya ang ganito. Mahirap, sa isip niya; hindi niya kaya. Ngayon, alam na niyang mali siya sa pagtantya sa sarili.      “Mga blusang Batwing! Halikayo rito ! Tingnan ninyo !”      Sa pagkakataong ito, napakasama ng tunog, ngunit tila walang nagulat. Ilan pang segundo, nasanay na ang mga mamimili sa kaniyang kakaibang sigaw. Maipagkakamaling galing sa aso o sa kotse, at hindi pa rin papansinin ng mga namimili.      “Mga blusang Batwing! Seksi, seksi, seksi, mga babae!”      Kung makasisigaw lang talaga siya ng kung anong malaswa para mapansin. Buong araw, binantayan niya ang kaniyang tindahan, mula umaga hanggang oras ng hapunan, ngunit wala siyang nabenta, isa man lang panlamig na angora o isang pares ng sapatos kaya -- wala maliban sa dalawampung angora. Kahit iyon lang, ang may katandaang babae sa kaniyang kanan ay naiingit, dahil gayong mas matagal na ito rito, naibenta lamang nito ay pares ng medyas at dalawang panyo.      Ang tindahan sa kaliwa ay binabantayan ng isang lalaking dadalawampuin na muntik nang mapaaway sa isang kostumer dahil sa isang jaket na balat. Ang sabi ng kostumer, iyon ay imitasyon; ipinilit ng tindero na tunay iyong balat. Kinusot iyon ng kostumer at iginiit na imitasyon iyon mula sa ibang bansa. Naubos na ang pasensya ng tindero. Alam ni Huiquan na tunay iyong balat, ngunit hindi siya nakihalo sa gulo. Walang dahilan para sumangkot. Nang ang lalaki ay nag-alok sa kanya ng sigarilyo, tumanggi siya. At siya naman ang nagsindi, di niya pinansin ang lalaki. Wala siyang balak na mapalapit kaninuman. Kailangang mag-ingat kapag sangkot ang ibang tao.      Siya ang huli sa hanay ng mga tindahan na nagsara ng araw na iyon. Alas nuwebe na, kalahating oras matapos magsara ang department store. Madilim ang paradahan, halos walang nagawa ang mga ilaw sa kalye; wala nang kostumer sa gabi. Nagsasara na rin ang tindahan sa tapat, na binabantayan ng dalawang lalaki, ngunit kahit gabing-gabi pa, parang ayaw pa nilang tapusin ang araw; may lungkot at panghihinayang sa kanilang tinig.      “Medyas na nylon, pasara na ! Otsenta sentimos ang isang pares … otsenta sentimos isang pares ! Paubos na ang medyas na nylon. Huling tawag ! Medyas na nylon …      Dumaan ang kanilang sasakyan sa gilid ng kalye patungo sa daan, sa direksyon ng tore ng pamilyang Hu. Pumedal ang isang tindero samantalang ang isa ay nakaluhod sa sasakyan at iwinawagayway ang isang pares ng medyas na nylon. Sandali lang ang kanilang lungkot na mabilis na pinalitan ng pambihirang tuwa. Ang kanilang mga tinig – isang mataas, isang mahina – ay iginala ng hangin sa gabi.      Sa sumunod na araw, nakabenta siya ng muffler.      Sa ikatlong araw, wala siyang naitinda.      Sa ikaapat na araw, wala pang kalahating oras pagkabukas niya ng tindahan, nakapagbenta siya ng kasuotang pang-army sa apat na karpintero na kababalik lamang sa Beijing mula sa timog. Pagkagaling sa Estasyon ng Beijing, tumungo sila sa hardware sa tore ng pamilyang Hu, at nang marating nila ang Silangang-tulay, nagkulay talong ang kanilang labi dahil sa lamig. Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan, at ang kanilang pera ay mabilis niyang isinilid sa kaniyang bulsa. Bago siya nakapagtinda, matamlay niyang hinarap ang negosyo, ngunit nagbigay ng inspirasyon ang pagbili ng mga karpintero. Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad, Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba ? Nag-iisip si Huiquan.

Mula sa Raya : Pagbasa at Pagpapahalagang Pampanitikan

sa Filipino ni Aurelio S. Agcaoli,2005

EDITORYAL

Ang Editoryal

               Editoryal

*      Ang Editoryal o pangulong-tudling ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga mambabasa.

*    Ito ay tinatawag ding tinig ng pahayagan.

Mga Layunin ng Editoryal

1.      Magpabatid

2.      Magpakahulugan

3.      Magbigay-puna

4.      Magbigay-puri

5.      Magpahalaga sa tanging araw

6.      Manlibang

Mga Uri ng Editoryal

1.      Nagpapakahulugan.  Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan o kahulugan ng isang mahalagang pangyayari.

2.      Nagpapabatid.  Ito’y nagbibigay kaalaman o linaw sa ilang pangyayaring hindi gaanong maunawaan.

3.      Namumuna at nagpapabago.  Pumupuna ito sa isang kalagayan ng isang tao, o ng isang paraan ng pag-iisip sa layuning makakuha ng mga kapanig sa paniniwala at kung mangyayari’y makapagbunsod ng pagbabago.

4.      Nagpaparangal at nagbibigay-puri.  Nagbibigay ito ng papuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa, nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang katangi-tanging Gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na may nagawang pambihirang kabutihan.

5.      Nagpapahalaga sa natatanging araw.  Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng mga tanging araw o okasyon.

6.      Nanlilibang.  Hindi ito karaniwang sinusulat.  Ang paraang ginagamit ditto ay di-pormal, Masaya, kung minsan ay sentimental, at karaniwang maikli lamang.

GaLing sa : http://www.takdangaralin.com/filipino/editoryal/editoryal-pagsulat-ng-editoryal-o-pangulong-tudling/

ang sutil na palaka

Aralin 2.2(Akda)

                                                                     Ang Sutil na Palaka

                                                                 Isinalin ni Teresita F. Laxima

(Mula sa orihinal na ‘The Green Frog’ isang pabulang Koreano)       Noong unang panahon, may isang berdeng palaka na naninirahan sa isang lawa kasama ang inang palakana isang biyuda.

     May pagkasutil ang berdeng palaka. Hindi niya sinusunod ang mga pangaral ng ina. Kapag may sinabi ang inang palaka, kabaligtaran ang ginagawa ng berdeng palaka. Kapag sinabi ng ina na sa bundok siya maglaro, sa sapa naman siya maglalaro. Kapag sinabi ng ina na umakyat, bababa naman siya. Kapag sinabi ng ina na sa kanan, sa kaliwa siya pupunta.      Lubhang nababahala ang Inang Palaka sa pagiging sutil ng berdeng palaka. Lagi na lamang kahihiyan ang ibinibigay ng berdeng palaka sa ina.      “Bakit hindi siya tumulad sa ibang batang palaka na magalang at masunurin” Himutok ng Inang Palaka.      “Ano na ang mangyayari sa kaniya kapag ako’y nawala na? Matanda na ako at ano mang oras ay maaari akong mamatay? Kailangang gumawa ako ng paraan upang maputol na ang pagiging sutil niya,” sunod-sunod na nausal ng ina sa sarili.      Araw-araw ay pinangangaralan ng Inang Palaka ang berdeng palaka tungkol sa kabutihang-asal subalit patuloy na binabale-wala ng berdeng palaka ang pangaral ng Inang Palaka. Nagpatuloy pa rin ang berdeng palaka sa pagiging sutil.      Hanggang sa dumating ang panahon na naramdaman ng Inang Palaka na siya’y mamamatay na. Tinawag niya sa kaniyang tabi ang berdeng palaka at kinausap ito ng masinsinan. Ibig ng Inang Palaka na mailibing siya nang maayos sa bundok. At dahil sa alam niya ang ugali ng berdeng palaka na kabaligtaran ng kaniyang bilin ang gagawin nito, pinili ng Inang Palaka ang mga salitang gagamitin niya sa pagkausap dito. Hindi niya sinabi sa berdeng palaka ang totoong nais niyang mangyari. Sa halip, iniba niya ang bilin sa berdeng palaka.      “Kapag namatay na ako, ilibinga mo ako sa sapa, huwag mo akong iibing sa bundok,” sunod-sunod na bilin ng ina sa berdeng palaka.      Nakikinig nang buong kapanglawan ang berdeng palaka sa ina habang ito’y nakayuko.      “Ipinangangako ko ina, gagawin ko ang bilin mo.” Paniniyak ng berdeng palaka sa ina.      Pagkaraan ng apat na araw namatay ang Inang Palaka. Ganoon na lamang ang pagsisisi ng berdeng palaka. Alam niya na siya ang dahilan ng maagang kamatayan ng ina.      “Patawad ina, patawad! Dahil sa pagiging suwail ko, lagi ka na lang nagdaramdam sa akin kaya ka nagkasakit at maagang namatay,” paninisi ng berdeng palaka sa sarili.      “Susundin ko ina ang bilin mo sa akin na ilibing ka sa pampang ng ilog,” wika ng berdeng palaka.      At kahit alam ng berdeng palaka na hindi tama na ilibing sa pampang ng ilog ang ina dahil sa mabilis at malakas ang alon, baka maanod ang libingan ng ina at dahil sa ito ang bilin, inilibing niya sa pampang ang namatay naina. Kapag malakas ang ulan, binabantayan niya ang libinga ng ina. Nagdarasal siya ng taimtim na nawa’y huwag lumaki ang alon baka matangay nito ang libingan ng ina.      Subalit, tulad nang dapat asahan, dumating ang ulang habagat at tumaas at lumaki ang alon, naanod ang libingan ng Inang Palaka.      Ganoon na lamang ang hagulgol ng berdeng palaka. Naupo ito sa ilalim ng malakas na ulan at doon nagpatuloy sa walang humpay na pag-iyak dahil sa nangyari sa libingan ng ina.      Ito ang dahilan, ayon sa marami kung bakit tuwing umuulan, umiiyak ang berdeng palaka

Huwebes, Oktubre 2, 2014

GURO ko BAYANI ko!!,

Sa naabang pagtitiis nila sa atin,at sa dami na ating natutunan na aral sa kanila 
Karapat dapat lng na ituring natin silaang 
    bayani sa ating buhay.
    
                 Lahat naman ng guro ay bayani. Ngunit may isang gurong  tumatak sa aking isip na hindi ko makakalimutan sa aking buong buhay . Sa bawat kanyang pagiging masungit at pranka meron tayung mapupulot na aral sa kanya.

  
    
                 
 Sya ang guro na kung saan mahahatak ang iyong pagigigng mahiyain pababa. Maging sa pagiging magaling na suportive teacher nandyan lang sya sa iyong tabi kung ikaw ay may bigat na dinadala .
  
  Nandyan rin sya para mabuo ang iyong buhay isa lang ang aking aking tinutukoy ang inidolo ko at ang aking bayaning guro na si fernando p.timbal

           

Martes, Setyembre 23, 2014

Aralin 2.3

Ang Kababaihan ng Taiwan, ngayon at noong nakaraang 50 taon

isinalin ni seila c. Molina

      Ang bilang ng populasyon ng  kababaihan sa mundo ay 51%  o  2% na mataas kaysa kalalakihan.  Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan.  Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan.  Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti- unting nagbabago sa nakalipas na  50 taon.  Ito ay makikita sa dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan

at kalagayan.  Nakikita ito sa Taiwan.  Ang unang kalagayan  noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper.  Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa.  Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.

   Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay

lalong naging komplikado.  Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay.  Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan.  Sa madaling salita, dalawang mabibigat

na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.   Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila.  Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng  babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas.  Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala.  Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon.  Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.    At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin.  Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan,  ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang.  Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.   Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon.  Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin.  Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa  lipunan.  Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito.

   Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan.   Ito ay matuwid pa rin sa kanila.  Marami pa ring dapat  magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan

Lunes, Setyembre 22, 2014

NAGKAMALI ng utos

Aralin 2.2(Akda)

                                                       Pabula: Nagkamali ng Utos

Sa malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang isang prinsesang tutubi. Siya’y bugtong na anak nina Haring Tubino at Reyna Tubina ng kahariang Matutubina. Mahal na mahal ng hari at reyna ang anak nila. Sinasabing ipaglalaban ng buong kaharian ang anumang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.Si Prinsesa Tutubi ay mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang kasa-kasama ang kaniyang mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari pa ay pawang tutubi rin.Isang araw, naisipan niyang lumipad patungo sa labas ng kaharian. Ibig niyang alamin kung ano ang daigdig sa labas ng kanilang kaharian. Tumakas siya sa kaniyang mga dama at tagasubaybay. Mag-isa niyang nilakbay ang malawak na papawirin.Maligayang-maligaya si Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya sa kaniyang paglipad. Wiling-wili siya sa lahat ng kaniyang nakikita. Totoong naibang si Prinsesa Tutubi at hindi niya napansin ang pamumuo ng maitim na ulap sa papawirin.Huli na nang ito ay mapuna ni Prinsesa Tutubi. Mabilis man siyang lumipad pabalik sa kaharian ay inabutan din siya ng malakas na ulan.“Titigil muna ako sa punongkahoy na ito,” ang sabi sa sarili ng prinsesa.Ngunit sa punongkahoy pala naman iyon ay maraming mga matsing. Pinaalis nilang pilit ang nakikisilong na tutubi. Bawat dapuang sanga ni Prinsesa Tutubi ay niyuyugyog ng mga matsing. Hindi lamang iyon. Pinagtawanan pa nila ang prinsesa.“Kra-kra-kra! Nakakatawa. Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga mata.” Malakas na na sabi ng isa. Sinundan ito ng malakas na hagikgikan ng mga matsing.Sa laki ng galit ng Prinsesa Tutubi umuulan pa ay umalis na siya sa punongkahoy na iyon at lumipad pauwi sa palasyo. Tuloy-tuloy siya sa silid ng kaniyang amang hari. Kaniyang isinumbong kay Haring Tubino ang mga matsing. Laking galit ng hari. Nagpatawag agad ang hari ng kawal.“Pumunta ka ngayon din sa kaharian ng mga matsing,” ang utos niya sa kawal. “Sabihin mong dahil sa ginawa nila sa aking anak na Prinsesa, gusto kong hamunin ang kaharian ng mga matsing sa isang labanan.”Mabilis na lumipad ang inatasang kawal. Pagdapo niya sa kaharian ng mga mating ay walang paligoy-ligoy niyang sinabi ang kaniyang pakay. Malakas na tawanan ng mga matsing ang nagging sagot sa pahayag ng kawal na tutubi.“Mga tutubi laban sa mga matsing! Ha-ha-ha-ha!” Muling nagtawanan ang mga matsing. “Nakakatawa , ngunit pagbibigyan naming anginyong hari,” ang sabi ng pinuno. “Ang mga mating laban sa mga tutubi!” Nagtawang muli ang mga matsing.“Kailan at saan gaganapin ang labanan?” ang tanong ng pinuno.“Bukas ng umaga sa gitna ng parang!” ang tugon ng kawal.“Magaling! Bukas ng umaga sa gitna ng parang kung gayon,” masiglang pag-ulit ng matsing sa sinabi ng tutubi.Bumalik sa kanilang kaharian ang kawal a tutubi at ibinalita sa Haring Tubino ang nagging katugunan ng mga matsing.Kinabukasan naroroon na sa isang panig ng parang ang hukbo ng mga matsing. Anong daming matsing. Waring ang buong kamatsingan ay naroroon at pawing sandatahan. Bawat isa ay may dalang putol na kahoy na pamukpok.Nasa kabilang panig naman ng parang ang makapal na hukbo ng mga manlilipad na tutubi.“Kailangang pukpukin ninyo ang bawat makitang tutubi,” ang malakas na utos ng haring matsing.Sa kabilang dako naman ay ibinigay na rin ng pinuno ng mga tutubi ang kaniyang utos. “Dapat nating ipaghiganti ang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.Kailangang magbayad ang mga matsing. “Dumapo sa ulo ng mga matsing. Kapag may panganib ay dagling luang malinaw at marahan niyang utos.Nagsalubong sa gitna ng parang ang mga manlilipad na tutubat ang hukbo ng sandatahang matsing. Buong-buo ang pagtitiwala ng mga sandatahang matsing sa kanilang sandatang pamukpok. Matapang din naming sumunod ang mga kawal na tutubi palibhasa ay nais nilang ipaghiganti ang kaapihan ng prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.Nagsimula ang labanan. Dapo at lipad, dapo at lipad ang mga tutubi. Pukpok dito, pukpok doon naman ang mga matsing. Kung tatanawin buhat sa malayo ang labanan, ay wari bang matsing laban sa matsing. Nakita ng pinuno ng mga matsing ang pangyayari. Nagkamali siya ng utos. Hindi nalaman agad na sa ulo pala ng kaniyang mga kawal darapo ang maliliksing tutubi. Babaguhin sana niya ang kanyang utos, subalit huli na ang lahat. Isang kawal na matsing ang pilit na pinukpok pa ang tutubi sa ulo ng pinunong matsing. Kayat nang matapos ang labanan nakabulagtang lahat ang mga matsing. Samantala, walang sinumang tinamaan sa mga mabilis umiwas at lumipad na mga tutubi. Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.

Huwebes, Setyembre 18, 2014

Aralin 2.2(Akda)

Ang Hatol ng Kuneho

(Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat)Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa kaniyang paglilibot, nahulog siya sa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang nakarinig sa kanya.Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos. Gutom na gutom at hapong-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip niyang ito na ang kaniyang kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad tumayo.“Tulong! Tulong!” muli niyang isinigaw.“Ah! isang tigre!” sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay.

“Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre.“Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.”Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari. Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay”, wika ng lalaki at nagpatuloy sa paglalakad.“Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag kang mag-alala, pangako ko hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na loob!”Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upangtulungan ito. Nakahanap siya ng troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay. “Gumapang ka dito,” sabi ng lalaki.Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang lalaking tumulong sa kanya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.“Sandali!” Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre.“Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain nang ilang araw!” tugon ng tigre.“Sandali! Sandali!” ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama bang kainin mo ako.”“Sige,” ang wika ng tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.”Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang nangyari.“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino.“Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga pagkain? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol ninyo. Ginagamit ninyo kami sa pagpapatayo ng inyong mga bahay at pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip, Tigre. Sige pawiin mo ang iyong gutom.”“O, anong masasabi mo doon?” tanong ng tigre habang nananakam at nginungusuan ang lalaki.Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. “Hintay! Hintay!” pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang baka sa kaniyang hatol.”Sumang-ayon ang tigre at ipinaliwanag nila sa baka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang opinyon ng baka.“Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa tigre. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay maisilangnnaglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na... pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa ng kung ano-anong bagay. Kaya huwag mo na akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.”“Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka na sa iyong kamatayan!” wika ng tigre habang bumubuwelo upang sakmalin ang lalaki.Alam na ng lalaki na ito na nga ang kaniyang katapusan. Nang biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho.“Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki.“Ano na naman!” singhal ng tigre.“Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon.Tanungin natin ang kuneho para sa kaniyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.”“Ah! Walang kuwenta! Alam mong ang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno ng Pino at ng baka.”“Pakiusap, parang awa mo na!” pagsusumamo ng lalaki.“O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre.Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga mata at pinagalaw ang kaniyang mahahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho. “Naiintindihan ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan patungo doon,” wika ng kuneho.Itinuro ng tigre at ng lalaki ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas”, wika ng kuneho sa tigre at sa lalaki. “Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.”Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay matapos agad ang usapan nang makain na niya ang tao. “Ah! ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng aking hatol. Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas sa hukay”, paliwanag ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa kaniyang paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa!” wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso.

Martes, Setyembre 16, 2014

Ponemang Suprasegmental :)

Ponema -  ang pinakamaliit na unit ng  makabuluhang tunog.

0Ang pag-aaral ng ponema ay binubuo ng segmental at

suprasegmental.

�Segmental = ay ang tunay na tunog at ang bawat tunog ay

kinakatawanan ng isang titik sa ating alpabato.

�Suprasegmental = ay ang pag-aaral ng ng diin (Stress), tono

(tune), haba (lengthening) at hinto

(Juncture).

2 Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental o ng mga haba, diin, tono at hintosa pagbibigkas at pagsasalita.

1.       Haba

* ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat

pantig.

* maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.

* mga halimbawa ng  salita:

bu.kas = nangangahulugang susunod na araw

bukas = hindi sarado

2.       Diin

*tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng

binibigkas.

*maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.

*Mga halimbawa ng salita:

BU:hay = kapalaran ng tao

bu:HAY = humihinga pa

LA:mang = natatangi

la:MANG = nakahihigit; nangunguna

3.       Tono

* nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap

* Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at

mataas na tono.

* maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg.

3  sa mataas.

* halimbawa ng salita:

Kahapon = 213, pag-aalinlangan

Kahapon = 231, pagpapatibay

talaga = 213, pag-aalinlangan

talaga = 231, pagpapatibay

4.       Hinto

*ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging

malinaw ang mensahe.

*maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // )

o gitling ( - )

* mga halimbawa ng salita:

Hindi, siya ang kababata ko.

Hindi siya ang kababata ko.